Pinawi ng gobyerno ng Britanya ang pangamba ng kanilang mamamayan dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Sinabi ni British Health Secretary Sajid Javid na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dahil sa natataon na panahon ng winter kung saan usong-uso ang sakit na trangkaso.
Sa ngayon aniya ay wala pa silang planong ipatupad ang kanilang “Plan B” para malabanan ang COVID-19.
Nanawagan ito sa mga mamamayan na maging vigilant at palakasin ang kanilang kalusugan para hindi agad na madapuan ng virus.
Magugunitang maraming mga health workers sa United Kingdom ang nanawagan na magpatupad ng paghihigpit ang gobyerno dahil sa pangambang tumaas muli ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Lumutang din ang isyu na panibagong mutation ng Delta Plus variant na tinawag na AY.4.2.