Naglabas na rin ng panibagong travel warning ang United Kingdom (UK) para sa kanilang mamamayan na nag-aabiso na ipagpaliban muna ang pagbiyahe sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ang hakbang ng UK government ay kasunod na rin ng pagsasailalim ng Pangulong Rodrigo Duterte sa buong Mindanao sa Martial Law dahil sa pag-atake ng ilang miyembro ng Maute group sa Marawi City kahapon.
Pinakiusapan ng Foreign and Commonwealth Office ang kanilang mga citizens na ‘wag munang magbiyahe sa Western Mindanao kasama na ang Marawi City.
Gayundin kung hindi naman mahalaga ay ipagpaliban muna ang pagbiyahe sa lugar din ng Eastern Mindanao.
Batay pa sa apela ng UK, kung meron mang mamamayan sila sa Marawi City dapat manatili lamang sa loob ng bahay at i-monitor ang mga balita at sundin ang abiso ng mga otoridad mula sa Pilipinas.