Target ng UK government na mabigyan ng asylum ang nasa 5,000 Afghan refugees sa unang taon sa ilalim ng binubuong settlement scheme.
Ito ay kasunod ng libu-libong ng Afghans ang tumakas matapos na makontrol na ng militanteng grupong Taliban ang gobyerno nila.
Ayon kay Home Sec. Priti Patel, planong tanggapin ng UK government ang nasa 20,000 na Afghan refugees pero kailangan pa aniya na isaalang-alang ang pagtatayo ng mga imprastruktura para sa resettlement ng mga refugees.
Gayundin dapat na may nakahandang suporta para mabigyan ang mga ito ng oportunidad na makapagsimula ng bagong buhay sa UK.
Prayoridad dito ang mga kababaihan, religious group at iba pang minorities maliban pa sa mga interpreters at ibang staff na kinatawan ng UK sa Afghanistan.