-- Advertisements --

Handang magbigay ang United Kingdom sa Ukraine ng high-power laser weapon.

Sinabi ni UK defence Secretary Grant Shapps, na ang nasabing armas ay mabisa para mapabagsak ang mga drones ng Russia.

Ang Dragon Fire weapon ay inaasahang maisasagawa sa 2027 subalit nais ni Shapps na pabilisin ang produksyon nito.

Noong Enero kasi ay naging matagumpay ang ginawang trial ng laser kung saan tinamaan ang aerial target nito.

Maituturing kasi na mas mahal ang missiles na gamitin sa pagpabagsak ng mga drones at mas mura ang nasabing laser weapons.