-- Advertisements --

Nahaharap sa batikos ngayon si British health minister Sajid Javid matapos na insultuhin ang mga biktima na pumanaw matapos dapuan ng COVID-19.

Si Javid ang pumalit kay Matt Hancock bilang health minister noong nakaraang buwan na bumaba sa puwesto dahil sa paghalik sa kaniyang aide.

Pinayuhan ni Javid ang mga mamamayan na masanay na mamuhay na mayroong virus.

Nagbunsod kasi ang pahayag ni Javid matapos na gumaling ito sa virus kung saan nagpasalamat siya dahil sa bakuna.

Sa kaniyang Twitter ipinayo niya sa mga mamamayan na dapat magpabakuna para mabuhay at yumuko na lamang sa virus.

Isa ang deputy leader ng Labour Party na si Angela Rayner ang nagalit sa pahayag ni Javid at sinabing masyadong sensitive ito sa mga biktima na dinapuan ng COVID-19.