-- Advertisements --

Nagbitiw na sa kaniyang posisyon si British health minister Matt Hancock dahil sa paglabag sa COVID-19 protocols.

Kumalat kasi ang larawan nito na niyakap at hinalikan ang isa nitong aide sa opisina kaya marami ang umalma.

Personal na inabot ni Hancock ang resignation letter nito kay British Prime Minister Boris Johnson.

Nakasaad sa kaniyang resignation na ang mga gumagawa ng batas ay dapat mahigpit nilang sundin nito at maging ehemplo.