-- Advertisements --

Patuloy na pinapalakas ng health ministry ng United Kingdom ang kanilang depensa laban sa Omicron variant ng COVID-19.

Sinabi ni UK Health Secretary Sajid Javid na isa sa kanilang paraan para malabanan ang banta ng Omicron ay ang pagsasagawa na ng booster vaccine shots.

Kumuha na sila ng karagdagang 10,000 vaccinators at 1,500 na lugar para doon isagawa ang pagpapabakuna.

Naniniwala ito na kahit na sa South Africa na unang nadiskubre ang Omicron ay nagkakaroon na ng local transmission sa maraming rehiyon ng England.

Hindi rin nito itinatanggi na maaaring maging dominant variant na ang Omicron virus.