-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin si United Kingdom Health Secretary Matt Hancock dahil sa paglabag sa social distancing.
Kasunod ito ng pagkalat ng larawan na niyakap at hinalikan ang kaniyang aide.
Sinabi nito na dahil sa pagkalat ng larawan ay parang binigo niya ang mga tao.
Dahil sa nasabing larawan ay may ilang opisyal ng British government ang nanawagan na sibakin si Hancock.
Ayon kay Labour Party chairwoman Annaliese Dodds na isang pang-aabuso sa posisyon ang ginawa ni Hancock lalo na at iligal ang pakikipagrelasyon nito sa isa niyang adviser.
Mahigpit kasi pinagbabawal sa UK ang paglabag sa social distancing at dapat mayroong 2 metro ang layo ng bawat isang tao.