-- Advertisements --
Hindi itinuturing ng United Kingdom na isang uri ng terorismo ang nagnap na pagbangga ng isang suspek ng kaniyang sasakyan sa gate ng Downing Street ang lugar kung saan naninirahan si British Prime Minister Rishi Sunak.
Ayon sa Metropolitan Police na knilang naaresto na at nasampahan na ng kasong suspicion of criminal damage and dangerous driving ang hindi na nila pinangalanang suspek.
Walang mga biktima ang nasaktan ganun din ay wala ring nakuha ang mga otoridad ng anumang kontrabando sa sasakyan ng suspek.
Magugunitang bigla na lamang binangga ng suspek ang kulay silver na kotse nito sa gate ng Downing Street.
Dahil sa insidente ay dinagdagan ng Metropolice ang kanilang hanay na magbabantay sa kapaligiran ng Downing Street.