-- Advertisements --

Nakatakdang iaanunsiyo ang susunod na Prime Minister ng United Kingdom na magiging succesor ng nagbibitiw na si ex-PM Boris Johnson.

Inaasahang matatalo ng Liz Truss, ang kasalukuyang Foreign Secretary at supporter ni Johnson ang former Chancellor ng Exchequer na si Rishi Sunak bilang bagong leader ng Conservative Party at susunod na PM.

Ang resulta ng balota ng Tory members ay iaanunsiyo dakong 12;30 pm london time o 7:30 pm Manila time na idedeliver ni Graham Brady na chair ng1922 Committee na grupo ng Conservative Members ng Parliament sa Queen Elizabeth II (QE2) conference centre sa London.

Nakaabang naman ngayon abng buong UK sa magiging plano ng susunod na PM pagtalakay sa mataas na energy cost.