Muling iginiit ni British Ambassador to the Philippines Daniel Pruce na dapat pa rin manguna ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sa isyu ng West Philippine Sea.
Ito aniya ang naging posisyon ng United Kingdom sa nasabing isyu ng makausap niya si Department of Defense Secretary Delfin Lorenzana.
Sinabi rin ni Secretary Lorenzana na handa ang UK na tumulong at magbigay ng suporta sa ipinaglalaban ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Noong 2020 aniya ay kasama ng UK ang France at Germany na sinabihan ang United Nations tungkol sa kanilang pagtanggi sa sinasabing “historic rights” ng China sa West Philippine Sea.
Magugunitang makailang beses na naghain ng diplomatic protest dahil sa patuloy na presensya nito sa karagatang sakop ng Pilipinas.