-- Advertisements --

Inihayag ng United Kingdom Maritime Trade Operations (UKMTO) na nagkaroon ng panibagong pag-aatake ng Houthi rebels sa Yemen sa karagatang nasasakupan ng south Mukha sa Yemen.

Inatake ng Houthis sa Yemen ang ilang mga commercial ship at dalawang US warship.

Nagsasagawa kasi ang US at UK ng air strike campaign laban sa Houthis bilang kasagutan sa pag-atake sa mga shipping lanes na pumapalibot sa Yemen.

Magugunitang noong nakaraang mga buwan ay nagkaroon ng ilang insidente ng pag-atake ang Houthis sa mga dumadaang commercial shipping lane sa karagatang sakop ng Yemen.