-- Advertisements --
Ikinagalit ng United Kingdom ang ginawang pagkumpiska ng Iran ng Biritish-flagged oil tanker sa Strait of Hormuz.
Sinabi ni UK Foreign Secretary Jeremy Hunt, na dapat obserbahan ng Iran ang freedom of navigation na nagpapanatili na malaya ang anumang barko na makapaglayag sa rehiyon.
Tiniyak naman ni US President Donald Trump na tutulungan niya UK na itinuturing na malapit na kaalyado.
Nauna rito kinumpiska ng Iraninan Revolutionary Guard Corps ang British-flagged oil tanker na ‘Stena Impero’ habang ito ay patungong Saudi Arabia.
Depensa naman ng Iran na lumabag ang nasabing barko sa kanilang international waters.