-- Advertisements --

Inakusahan ng United Kingdom ang Security Service ng Russia na Federal Security Service o FSB , ng cyber hacking.

Ayon kay UK Foreign Secretary David Cameron na target ng cyber-hacking ay mga pulitiko at ibang mga public personalities nila.

Dagdag pa nito na kahit na anong pagtatangka nila ay hindi pa rin nagtatagumpay na manakaw ng mga Russian hackers ang mga mahahalagang datos mula sa gobyerno ng UK.

Dahil dito ay pinatawag ng UK ang kanilang Russian ambassadors at sila ay pinatawan ng sanctions.

Mariing pinabulaanan naman ng Russia ang alegasyon na ito ng UK.

Ang FSB ang pumalit sa KGB na aktibo noong cold-war.

Si Russian President Vladimir Putin ay naging director ng FSB ng ilang taon noong dekada 90.