-- Advertisements --

Inanunsiyo ng United Kingdom ang pagbibigay ng karagdagang £450 million na halaga ng military support para sa Ukraine.

Ginawa ang anunsiyo kasabay ng pag-host ng UK at Germany ng 27th Ukraine Defense Contact Group ngayong araw ng Biyernes sa Brussels.

Ito naman ang unang pagkakataon na ang defense secretary ng UK at Germany ang nanguna sa naturang pagpupulong dahil pinamumunuan ito noon ng defense secretary ng Amerika maliban noong tuluyan ng umupong presidente si Donald Trump noong Enero.

Ayon sa Ministry of Defense ang panibagong malaking military support package ay para matulungan pang mapalakas ang armed forces ng Ukraine sa gitna ng patuloy na pagdepensa laban sa Russia.

Kabilang sa military package ay ang £160 million pondo ng UK para sa repair at maintenance sa mga sasakyan at equipment na ibinigay ng UK sa Ukraine.

Gayundin kasama sa military aid package ang radar systems, anti-tank mines at daang libong drones na nagkakahalaga ng mahigit £250 million.