Inaprubahan ng Britain ang bagong COVID-19 vaccine na gawa ng Austrian-French drug maker na Valneva.
Ayon sa Medicines and Healthcare products Regulatory Agency ng UK, inaprubahan ang naturang vaccine matapos na pumasa sa kinakailangang safety, quality at effectiveness standards.
Noong nakalipas na buwan, unang naaprubahan gamit ang traditional technology ng inactivated virus na mayroong emegency authorization para gamitin sa Bahrain.
Ang Valneva ang ika-anim na COVID-19 vaccine na inaprubahan sa UK kasunod ng Astrazeneca, Pfizer, Moderna, Janssen at Novavax.
Naaprubahan ang pagtuturok ng bakuna sa mga taong edad 18 anyos hanggang 50 anyos kung saan may interval na 28 araw ang una at ikalawang dose.
Nangako na rin ang vaccine maker ng pagsusuplay ng naturang bakuna sa Gulf kingdom ng 1 million doses sa isang advance purchase agreement noong nakalipas na taon.
Lumagda din ito ng kasunduan sa European Commission para magsuplay ng nasa 60 million doses ngayong taon at sa 2023.
Maaalala, ang Britain ay isa sa mga bansang matinding natamaan ng global pandemic kung saan nasa mahigit 171,000 katao ang namatay.