-- Advertisements --
Inaprubahan ng United Kingdom ang paggamit ng single shot ng Johnson & Johnson coronavirus vaccines.
Ayon kay UK Health Secretary Matt Hancock na malaking tulong ang nasabing bakuna lalo na at mataas pa rin ang kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa.
Ito na aniya ang pang-apat na bakuna na ginagamit ngayon ng UK na una ay ang Pfizer, AstraZeneca at Moderna.
Bumili agad ang UK ng 20 million doses ng bakuna mula sa US.
Base kasi sa isinagawang trial sa US ay nasa 72 percent ang effectivity ng bakuna para maiwasan ang moderate to severe coronavirus infection.