-- Advertisements --

Ipinagtanggol ng United Kingdom ang kautusan nilang pagbabalik ng pagsusuot ng facemask dahil sa banta ng Omicron variant ng COVID-19.

Ayon kay UK Health Secretary Sajid Javid na ang hakbang ay para sumaya ang mga tao sa kapaskuhan.

Dagdag pa nito na naging mabils ang naging hakbang ng kanilang gobyerno laban sa nasabing bagong variant.

Magugunitang ipinag-utos ng UK government ang pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar at mga establishimento.