Isasama na rin ng Estados Unidos sa ipinatutupad nilang travel ban sa mga bansa sa Europa dahil sa coronavirus ang United Kingdom at Ireland.
Sa anunsyo ni US Vice President Mike Pence, magsisimula ang ban sa hatinggabi ng Lunes (Martes, Manila time).
Inanunsyo rin ni Pence na magiging libre ang pag-test sa coronavirus ng lahat ng kanilang mga mamamayan.
Bago ito, nasa 26 nang mga bansa sa Schengen Area ang nasa listahan ng ipinataw na travel ban ng Amerika.
Ito ay ang mga bansang Austria, Belgium, Czech Republic, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Greece, Hungary, Iceland, Italy, Latvia, Liechtenstein, Lithuania, Luxembourg, Malta, Netherlands, Norway, Poland, Portugal, Slovakia, Slovenia, Spain, Sweden, at Switzerland.
Sa kasalukuyan, umabot na sa 51 ang death toll at 2,488 kaso ng coronavirus sa Amerika. (BBC)