-- Advertisements --
Itinanggi ng United Kingdom ang alegasyon ng Russia na pumasok sila sa Black sea.
Sinabi ni ng UK Defense Minister Ben Wallace na legal ang pagpasok ng kanilang British warship na HMS Defender.
Nagsagawa lamang sila ng routine transit mula Odesa patungong Georgia sa Black Sea na normal na rota nila.
Wala rin silang natanggap na warning shot mula sa Russia.
Nauna rito inakusahan ng Russia ang UK na nakapasok ang kanilang HMS Defender sa tatlong kilometro sa ilalim ng teritoryo ng Russia sa Cape Fiolent sa Crimea.
Dahil sa ginawa aniya ng UK ay napilitan silang magpakawala ng bomba ang kanilang Su-24M attack jet at maging ang kanilang coastal patrol ship ay nagpaputok ng warning shots sa nasabing British destroyer.