Tahasang kinontra ng apat na ministro mula sa Japan at Britain ang anumang unilateral attempt na baguhin ang status quo sa kapwa East at South China sea.
Ang pahayag na ito ay sinasabing patungkol sa ginagawang maritime expansion ng China.
Inilabas ang joint statement matapos ang online meeting nina Foreign Minister Toshimitsu Motegi at Defense Minister Nobuo Kishi ng Japan, at kanilang mga British counterparts na sina Dominic Raab at Ben Wallace.
“The four ministers reaffirmed the importance of upholding freedom of navigation and overflight above the South China Sea and urged all parties to exercise self-restraint and refrain from activities likely to raise tensions,” saad sa pahayag.
Kung maaalala, inaangkin ng China ang ilang mga teritoryo sa South China Sea, kung saan may claim din ang Pilipinas, Brunei, Malaysia, Taiwan, at Vietnam.
Habang sa East China Sea naman, inaangkin din ng China ang mga maliliit na isla na pinamamahalaan ng Japan. (Reuters)