Kumikilos na ang Britain para magbigay ng military support at economic aid para sa Ukaine sa kanilang tumindi ang banta ng pag-atake ng Russia.
Nakatakdang bumiyahe si Prime Minister Boris Johnson sa Europa ngayong linggo para suportahan na mawakasan na ang standoff sa Russia.
Ayon sa tagapagsalita ng British government, nakikipagtulungan na si PM Johnson sa mga kaalyado nitong bansa para suportahan ang Ukraine.
Ang Britain ang nagsusuplay ng anti-tank weapons at training personnel sa Ukraine sa kabila ng mandato sa mga sundalo na lisanin na ang Ukarine.
May nakikita pa aniyang pag-asa para sa de-escalation at diplomasiya kaya’t patuloy ang walang kapagurang pagsusumikap ng PM kasama ang mga kaalyado nito upang hindi na ituloy pa ng Russia ang paglusob sa Ukraine.