Magbibigay ang United Kingdom ng 290 million euro para matulungan ang mahihirap na bansa na makabangon mula sa impact ng climate change.
Sa ikalawang linggo ng UN climate change summit, tatalakayin kung paano susuportahan ang mahihirap na bansa gayundin ang reparations sa pinsala na dulot ng natural disasters.
Gagamitin ang nasa 274 million euro para matulungan ang Asian at Pacific nations para sa conservation at masiguro ang low-carbon development.
Ang 15 million euro naman ilalaan para suportahan ang developing countries habang ang nalalabing 1 million euro naman ay para gawing mas mabilis at epektibo ang humanitarian aid kabilang na ang pagtugon sa climate related disasters.
Nauna na ngang umapela ang mahihirap na bansa ng $100 billion na pinansiyal na tulong na higit na apektado ng climate change.
Inaasahan din ngayong linggo na makikilahok si dating US Presidnt Barack Obama sa climate change summit para ibahagi ang naging progress limang taon ang nakalilipas mula ng maging epektibo ang Paris Agreement.