-- Advertisements --
Nakatakdang mag-host sa June 4, 2020 ng international summit ang United Kingdom upang mapabilis pa ang pagdiskubre ng epektibong vaccine laban sa COVID-19.
Ang hakbang ng UK ay upang mahikayat ang international community na magsama sama lalo sa pagsuporta sa pagbuo ng COVID-19 vaccine.
Una nang kinumpirma ng World Health Organization na inilunsad din nila ang panibagong mga hakbang upang mas mapabilis ang vaccines development, diagnostics at therapeutics bilang response sa coronavirus pandemic.
Ang UK ang ika-anim sa mga bansa sa buong mundo na lalong lomobo pa ang bilang ng mga COVID cases, nasa mahigit na rin sa 19,000 ang death toll sa kanilang lugar.