-- Advertisements --

Inanunsiyo ni Prime Minister Boris Johnson na magpapadala ang Britain ng 6,000 missiles at $33 million na financial aid para sa mga sundalo ng Ukraine para matulungan sila sa paglaban sa Russian forces.

Ang anunsiyong ito ng UK na pagpondo at pagbibigay ng karagdagan pang military hardware gaya ng anti-tank at high explosive weapons bago ang nakatakdang emergency summit ng NATO at G7 hinggil sa Russian invasion.

Nauna ng nagpadala ang UK ng mahigit 4,000 anti-tank weapons kabilang ang Next Generation Light Anti Tank Weapons Systems at ang tinatawag na Javelin missiles sa gobyerno ng Kyiv.

Liban pa dito, magbibigay din ang UK government ng Starstreak high-velocity anti-aircraft missiles para ma-counter ang aerial bombings ng Russia at magbibigay din ng body armor, helmets at combat boots.