-- Advertisements --
Nagpasya ang United Kingdom na magpapadala ng ilang daang short-range missiles sa Ukraine.
Isinagawa ang anunsiyo bago ang summit na ipinatawag ni Volodymyr Zelensky kung saan planong atakihin ang Russia.
Ayon kay UK Defence Secretary John Healey, na kabilang sa military package na kanilang ibibgay sa Ukraine ay ang 650 lightweight Multirole Missiles.
Sa nasabing military package ay mapapalakas ng Ukraine ang kanilang air defense at maipapakita ang kanilang kakaibang kakayahan.
Magugunitang makailang ulit na nanawagan si Zelensky sa mga kaalyadong bansa na kung maari ay bigyan sila military weapons.
Una na ring nangako si UK Prime Minister Sir Keir Starmer na hindi sila titigil na magbigay ng military support sa Ukraine.