-- Advertisements --
Naglatag si British Prime Minister Boris Johnson ng kaniyang Plan B restrictions sa England dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 lalo na ang Omicron variant.
Kabilang sa nasabing plano ang pagkonsidera ng work-from home set-up at ang pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong lugar, gayundin sa mga sinehan at teatro na magsisimula sa Disyembre 13.
Hahanapan pa rin ng mga vaccination passes o negative test results ang mga magtutungo sa mga nightclubs at lugar kung saan mayroong mga malalaking pagtitipon.
Patuloy din ang panghihikayat ni Johnson sa pagtuturok ng booster COVID-19 vaccine na magsisimula sa susunod na taon.