-- Advertisements --
Nagbitiw sa kaniyang puwesto si British Anticorruption minister Tulip Siddiq dahil sa ugnayan sa prime minister ng Bangladesh na si Sheik Hasina na kaniyang tiyahin.
Mariing itinanggi ng 42-anyos na si Siddiq ang alegasyon na nakinabang ito sa pera na umanoy kinurakot ng kaniyang tiyahin.
Siya na ang pangalawang government minister na nagbitiw sa loob ng dalawang buwan.
Malungkot naman na tinanggap ni British Prime Minister Keir Starmer ang pagbibitiw ni Siddiq.
Dahil dito ay itinalaga ni Starmer si Emma Reynolds na kapalit ni Siddiq.