Umapela ng mas maraming mga volunteer ang gobyerno ng United Kingdom para magpabakuna sa kanilang COVID-19 vaccine trials.
Sinabi ni Kate Bingham ang namumuno sa vaccine taskforce ng UK na ang bakuna ay ligtas.
Mahigit 100,000 katao na kasi ang pumirma para makibahagi subalit nais nila ng volunteers.
Isa sa mga nais nilang mga volunteer ay yung mga nasa “high-priority groups” na apektado ng virus ganun din ang mga galing sa ethnic minorities na may edad mahigit 65.
Dagdag pa ni Bingham na kung gaano kabilis ang makukuha nilang clinical trials na na-enrolled, ay mabilis na makakakuha ng resulta ang bakuna.
Magugunitang maraming mga iba’t-ibang coronavirus vaccines ang nasa clinical trials, kabilang na ginagawa ng Oxford University na nasa advanced stage ng testing.