-- Advertisements --
Nagluwag pa ang gobyerno ng United Kingdom sa travel ban.
Ayon sa Department of Transport ng UK na lahat ng mga fully vaccinated na indibidwal na galing sa mga bansang Ecuador, Dominican Republic, Colombia, Peru, Panama, Haiti at Venezuela ay hindi na sasailalim sa quarantine sa hotel.
Paliwanag naman ni UK Transport Secretary Grant Shapps na sa ganitong hakbang ay maibabalik na muli ang kanilang turismo.
Ipinatupad aniya nila ang nasabing hakbang matapos na hindi na maituturing na variants of concern ang COVID-19.
Magiging epekto ang pagbabago sa travel ban sa Nobyembre 1.