-- Advertisements --
Nagpadala sa kauna-unahang pagkakataon ng kanilang mga fighter jet ang Britanya sa Iraq at Syria.
Ayon sa United Kingdom Ministry of Defence, ang nasabing hakbang ay para tuluyang masawata ang Islamic State militants.
Mag-iikot ang kanilang Lockheed Martin Lightning F-35B sa nasabing mga bansa.
Isinagawa ang nasabing operasyon matapos ang ginawang training exercise sa Cyprus.
Nagmula sa Akrotiri Royal Air Force (RAF) base ang ipinadalang F-35B aircraft ng UK.