Nagpatupad na si British Prime Minister Boris Johnson ng mas mahigpit na COVID-19 guidelines sa England ngayong holiday season.
Kasunod na rin ito ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa England dahil sa nadiskubreng bago at mas nakahahawang strain ng virus.
Ayon kay Johnson, dahil sa panibagong mga development ay napilitan itong bawiin ang kanyang plano na luwagan na sana ang restriksyon ngayong panahon ng Kapaskuhan.
“I know how much emotion people invest in this time of year … I know how disappointing this will be,” wika ni Johnson sa isang news conference. “There is no alternative open to me.”
Ilalagay ang London and southeast England – kung saan naninirahan ang isang katlo ng populasyon ng bansa – sa bagong Tier 4 level, na pinakamataas sa mga quarantine restrictions sa United Kingdom.
Sang-ayon dito, hindi papayagang makalabas ng kanilang tahanan ang mga tao maliban na lamang kung talagang kinakailangan.
Sinabi pa ni Johnson at maging ng mga siyentipiko, bagama’t 70% mas makahahawa ang bagong strain ng coronavirus na natuklasan, hindi naman daw ito nakamamatay.
“There’s no evidence that it causes more severe illness or higher mortality, but it does appear to be passed on significantly more easily,” ani Johnson.
“Although there’s considerable uncertainty, it may be up to 70 percent more transmissible than the old variant, the original version of the disease. This is early data and it’s subject to review.”
“But it’s the best that we have at the moment and we have to act on information as we have it, because this is now spreading very fast.” (Al Jazeera)