-- Advertisements --

Nahaharap ngayon ang United Kingdom ng pagtaas ng kaso ng infections mula sa bagong Omicron coronavirus variant.

Sinabi ni UK Health Secretary Sajid Javid na mayroon ng 4,713 na kumpirmadong Omicron case sa UK at patuloy aniya ang pagdami ng kaso.

Mayroong 44% ang pagtaas nito sa London at inaasahan na magiging dominant COVID-19 variant ito sa mga susunod na araw.

Itinaas na rin nila ang kanilang alert level sa dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso.

Nauna rito kinumpirma ni UK Prime Minister Boris Johnson na mayroong isang kaso ng pagkakasawi matapos dapuan ng Omicron variant ng COVID-19.

Dahil dito ay hinikayat niya ang mga mamamayan na magpaturok na ng kanilang booster shots ng COVID-19.