-- Advertisements --

Muli na namang nagtala ang United Kingdom ng pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa loob lamang ng isang araw.

Nitong Miyerkules ay mayroong 78,610 na COVID-19 infections ang naitala.

Mas mataas ito ng mahigit 10,000 sa nakaraang record noong Enero.

Umabot na rin sa mahigit 11 milyon katao mula sa Europa ang dinapuan ng COVID-19.

Tinawag ni Jenny Harries ang chief executive ng UK Health Security Agency na isang malaking banta pa rin sa UK ang Omicron variant sa bansa.

Aabot na rin sa mahigit 10,000 kaso ng Omicron variant ang naitala sa UK.