-- Advertisements --
May naitalang nasawi sa United Kingdom matapos dapuan ng Omicron variant ng COVID-19.
Kinumpirma ito mismo ni UK Prime Minister Boris Johnson sa kaniyang pagbisita sa vaccination center sa west London.
Hindi na nagbigay pa ang anumang detalye si Johnson sa nasawing biktima.
Nagbabala si Johnson na malaki ang posibilidad na makaranas ng muling paglobo ng kaso ng Omicron variant ang UK.
Dahil dito ay sinasabing ang UK ang siyang kauna-unahang bansa na nagtala ng isang kaso ng pagkakamatay matapos dapuan ng Omicron.
Magugunitang inilunsad ng UK ang pagtuturok ng booster shots para tuluyang mapigil ang pagkalat ng COVID-19.