-- Advertisements --

Nagtala ang United Kingdom na panibagong record high na bilang ng kaso ng COVID-19.

Mayroon kasing 129,471 na kaso ng COVID-19 naitala nitong Disyembre 28.

Ang nasabing bilang ay hindi pa kabilang ang Scotland at Northern Ireland.

Nahigitan nito ang naitalang 122,186 na kaso sa loob ng isang araw n oong Disyembre 24.

Magugunitang nahaharap ngayon ang United Kingdom ng pagtaas ng kaso ng Omicron variant.