-- Advertisements --

Nakahanda ang Britanya na mag-deploy ng mga sundalo para protektahan ang mga NATO allies sa Europa sakaling ituloy ng Russia ang pagsakop sa Ukraine.

Binalaan pa ni British Prime Minister Boris Johnson si Russian President Vladimir Putin na mahaharap ito ng matinding paglaban ng Ukraine.

Mayroon din ng katapat na economic sanctions na ipapataw sila sa Russia sakaling ituloy nito ang pagsakop sa Ukraine.

Nag-usap na rin aniya sila ng US, France, Germany, Italy, Poland at ang European Union sa sanctions na kanilang ipapataw sa Russia.

Magugunitang nasa 100,000 mga sundalo ng Russia ang itinalaga sa border nila ng Ukraine kung saan makailang beses na itinanggi ni Putin na kanilang sasakupin ang Ukraine.