-- Advertisements --

Nagsimula na umano ang negosasyon ng United Kingdom (UK) sa mga Taliban militants upang masigurado rin ang “safe passage” palabas ng Afghanistan sa ilan pang naiipit na British nationals at mga Afghans na tumulong sa kanilang government.

Sinasabing ang kinatawan ni UK Prime Minister Boris Johnson o special representative for Afghan transition na si Simon Gass ay lumipad na patungong Doha, Qatar upang harapin ang mga Taliban representatives.

Ilan nga sa Taliban leadership ay nasa Qatar matapos na sila ay mapalayas 20 taon na ang nakakalipas.

Samantala, una nang umani ng batikos si Johnson dahil sa may naiwan pa umanong mga Afghans na tumulong sa NATO forces ay pinabayaan daw ng UK.

Nangako naman daw ang Taliban na kanila pa ring papayagan ang mga Afghans na makaalis bilang bahagi ng kanilang commitment sa international community kahit natapos na ang US withdrawal.