-- Advertisements --

Nakatuklas ng panibagong klase ng mpox virus ang health security agency ng United Kingdom kung saan ang kabuuang bilang na ng mga may ganitong sakit ay umabot na sa tatlo.

Ayon sa pamunuan ng hralth security agency, hindi pa naman daw nakakabahala ang nasabing variant sa publiko sa ngayon.

Tinawag naman itong clade Ib variant na binabantayan at pinagaaralan pa ng naturang ahensya.

Samantala ang mga indibidwal na may mpox clade Ib variant ay kasalukuyan namang nakaisolate ay patuloy na iniimbestigahan kung sino sino pa ang mga huling nakasalamuha ng mga ito.

Matatandaan namang naganunsyo ang World Health Organization na isa nang ganap na global health emergency ang mpox virus nitong Agosto.