-- Advertisements --

Mas malaking problema ang hinaharap ngayon ni British Prime Minister Boris Johnson matapos manguna ng United Kingdom sa mga bansa sa Europa na may pinakamataas na bilang ng mga nasawi dulot sa coronavirus.

Sa datos na ibinahagi ng Britain’s Office for National Statistics (ONS), nadagdagan ng mahigit 7,000 ang bilang ng naitalang patay sa England at Wales.

Dahil dito ay pumalo na ng 32,313 ang kabuuang death toll sa buong Britanya.

Ayon kay Foreign Secretary Dominic Raab, magkakaiba ang pamamaraan ng bawat bansa sa pagbibilang ng kanilang death toll.

Malalaman lang umano ang tunay na bilang ng mga nasawi sa outbreak sa oras na matapos na ang pandemic.

“It’s now clear that the second phase will be different. We will need to adjust to a new normal,” saad ni Raab.

“We want to make sure that the next phase is more comfortable, is more sustainable. But we need to be under no illusions, the next stage won’t be easy.”