-- Advertisements --

Sumali na ang United Kingdom aviation authority sa ilang bansa na nag-suspendi ng paggamit ng Boeing 737 Max.

Kasunod ito ng malagim na plane crash sa Ethiopia.

Ayon sa UK Civil Aviation Authority na nag-iingat lamang sila kaya itinigil nila ang anumang commercial passenger flights.

Nauna ng nag-suspendi ng operasyon ang Singapore, Australia, Malaysia at Oman ilang araw matapos ang pagbagsak ng eroplano sa Ethiopia na ikinasawi ng 157 katao.

Ang pangyayari sa Ethiopia ay nangyari ilang buwan matapos ang madugong pagbagsak ng Lion Air sa Indonesia na ikinasawi ng 189 katao.