-- Advertisements --
Pinalawig pa ng United Kingdom ang kanilang lockdown ng hanggang tatlong linggo.
Sinabi ni UK Foreign Secretary Dominic Raab, na ayaw nilang magkaroon ng pangalawang pananalasa ng coronavirus.
Kinakailangan pa rin ng masusing pag-aaral para sa pagtanggal na ng lockdown.
Iginiit nito na mahalaga ang pakikipagtulungan sa iba’t-ibang bansa para tuluyang malabanan ang virus.
Kahit na bumababa na ang kaso ng coronavirus sa kanilang bansa ay hindi pa rin ito nagpapakampante.
Patuloy din ang panawagan nito sa publiko ng obserbasyon ng social distancing.