Nagpaabot na ng kani-kaniyang pagbati ang ilang mambabatas mula sa iba’t ibang bansa matapos ang nakamit na tagumpay ni United Kingdom Prime Minister Boris Johnson sa isinagawang eleksyon sa bansa.
Positibo si Australian Prime Minister Scott Morrison na makapagbigay ng panibagong kasunduan hinggil sa Brexir ang panalo ng Conservative Party.
Umaasa naman si India Prime Minister Narendra Modi na mas magiging matatag pa ang samahan ng India at United Kingdom sa ilalim ng pamumuno ni Johnson.
Labis naman ang pasasalamat ni Johnson sa lahat ng Briton na bumoto at patuloy na naniniwala sa mga adhikain ng kaniyang partido.
Binigyang-diin din nito na nakahanda na ang kaniyang kampo sa tuluyang pagkalas ng Britanya mula sa European Union sa January 31.