-- Advertisements --

Nagsagawa ng balasahan sa kaniyang gabinete si British Prime Minister Boris Johnson.

Ilan sa mga tinanggal nito ay si Education Secretary Gavin Williamson.

Habang inilipat niya si Foreign Secretary Dominic Raab sa justice department.

Nanatili naman sa kanilang puwesto sina Chancellor Rishi Sunak at Home Security Priti Patel.

Paliwanag ni Johnson, ang pagbalasa niya sa gabinete ay para magkaroon ng pagkakaisa at muli nilang pagbangon ngayong panahon ng pandemiya.