Wala raw naidudulot ang bagong talagang prime minister ng United Kingdom na si Boris Johnson sa usapin hinggil sa Brexit deal na hanggang ngayon ay hindi pa rin nareresolba.
Ayon kay Ireland foreign minister Simon Coveney, hindi raw nakakatulong si Johnson sa naturang usapin at pilit din daw nitong hinaharang ang kahit anong kasunduan na ilatag sa kaniya.
Una nang inihayag ni Johnson sa British parliament ang pagnanais nito na buwagin ang insurance policy na dinisenyo upang maiwasan ang posibilidad na muling maibalik ang puwang sa pagitan ng Ireland at Northern Irelang sa kabila ng unti unting pagkasora ng trade talks ng dalawang bansa.
Karamihan ng mga sumusuporta sa Brexit ay hindi nagustuhan ang nasabing backstop — kung saan kinakailangan ng Northern Ireland o ng United Kingdom na manatili sa European Union — dahul magiging mahirap raw para sa mamamayan ng Britanya na magsagawa ng malayang kalakalan sa ibang bansa.
“The statements of the British prime minister yesterday in the House of Commons were very unhelpful to this process,” ani Coveney.
“He seems to have made a deliberate decision to set Britain on a collision course with the European Union and with Ireland in relation to the Brexit negotiations,” dagdag pa nito.