Nagbigay ng suhestyon si Labour Party’s Brexit spokesman keir Starmer na kinakailangan umano ng panibagong public vote ang Brexit Withdrawal Agreement Bill bago ito ipasa sa mga mambabatas sa susunod na buwan.
Ito ay matapos tatlong beses na hindi tanggapin ng Members of Parliament ang Brexit deal ni United Kingdom Prime Minister Theresa May.
Ngunit ayon sa Labour Party ay pinaplano na nilang tutulan muli ito.
Tutol din naman si May na magsagawa pa ng ikalawang public vote hinggil sa nasabing usapin.
Tatlong taon na ang nakararaan nang makakuha ng 52% to 48% vote ang rederendum upang tuluyan nang payagan ang pagkalas ng UK sa European Union.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin malinaw kung kailan ang eksaktong araw na aalis ang nasabing bansa sa European Union ngunit nauna nang nagbigay ang mga ito ng deadline na Oct. 31.