-- Advertisements --
Nasa White House si United Kingdom Prime Minister Keir Starmer at personal ito ng nakasalamuha si US President Donald Trump.
Bago ang isinagawang pagpupulong ay ipinasakamay ni Starmer ang sulat mula kay King Charles.
Iniimbitahan ni King Charles si Trump na bumisita sa UK na agad namang tinanggap ito ni Trump.
Ilan sa mga tinalakay ng dalawang opisyal ay ang kalagayan sa Ukraine para matapos na ang giyera nila ng Russia at ang pagpapalakas ng defense.
Ang nasabing pagbisita n Starmer ay isang araw bago ang pagtungo sa White House ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky para talakayin din ang usaping pangkapayapaan sa pagitan nila ng Russia.