-- Advertisements --

Patuloy ang isinasagawang pagsasanay sa mga sniffer dogs na may potensiyal na mag-detect ng corona odor mula sa sample ng isang indibidwal na infected ng coronavirus sa United Kingdom.

Base sa iprinisentang resulta mula sa naunang pag-aaral ng mga British researchers mula sa 3,500 odor samples ng mga gamit na medyas o t-shirts ng mga miyembro ng public at health workers, natuklasan na kaya ng mga sniffer dogs na matukoy ang asymptomatic o mild COVID-19 cases maging ang mga mutant variant na unang nadiskubre sa UK.

K9 dogs detection
Photo coutesy from @universalk9services

Paliwanag ng disease control specialist ng London School of Hygiene & Tropical Medicine na si James Logan na siyang namuno sa naturang proyekto na ang malaking advantage ng mga sniffer dogs kumpara sa mga ginagamit na screening methods gaya ng lateral flow testing ay ang kanilang pambihirang bilis at accuracy sa pagsusuri sa malaking grupo ng mga tao.

Sa isinagawang pag-aaral sa UK, isinalang sa trial ang mga sniffer dogs para suriin ang 200 odor samples mula sa mga nagpositibo sa COVID-19 at 200 control samples mula sa negatibo sa virus.

Lumalabas sa isinagawang trial na kayang madetect ng highest performing dogs ang coronavirus odor mula sa samples ng may 94.3% sensitivity , ibig sabihin low risk na magkaroon ng false negative results at 92% specificity o low risk ng false positive result.

Ipinapakita aniya ng pag-aaral na maaaring gamitin ang mga trained detection dogs sa mga lugar gaya ng airports, sports stadiums at concert venues.

Ilan sa mga bansa kabilang ang Finland, Germany, Chile at iba pa ay nauna ng naglunsad na rin ng pilot project kung saan isinabak ang mga COVID-trained sniffer dogs sa airport. (with report from Bombo Everly Rico)