-- Advertisements --

Inanunsiyo ng United Kingdom na kanilang sususpendihin ang arms exports sa Israel.

Ayon kay UK Foreign Secretary David Lammy, na 30 sa kabuuang 350 arms export licenses ang kanilang sinuspendi.

Ang nasabing desisyon aniya ay bilang pag-iwas na baka gamitin ito ng Israel na makagawa ng seryosong paglabag sa karapatang pantao.

Ikinadismaya naman ni Israeli Defence Minister Yoav Gallant ang naging desisyon na nito ng UK.

Sinabi nito na parang nabigyan pa ng pagkakataon ang mga Hamas na samantalahin ang pagkakataon.