-- Advertisements --

Ikinatuwa ng DOH ang resulta ng isang survey na isinagawa ng London-based group.

Sinasabing sa survey na karamihan daw sa mga health protocols ay sinususnod ng mga Pilipino.

Lumalabas daw sa survey na 91 percent ng mga Pinoy ay nagsusuot ng face masks kung lalabas ng bahay at 83 percent naman ang regular na naghuhugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.

Sa nasabi ring survey lumalabas na 50 percent ng mga Filipinos ay iiwasang lumabas ng bahay basta may trabaho at 58 percent ang nagsasabing iiwas sa public transportation.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bagamt natutuwa sila na nagiging epektibo ang tuloy-tuloy na pagpapaalala sa publiko, mas maganda aniya kung 100 porsyento na susunod ang lahat.